Una sa Balita

Bibili ng kamatis, sibuyas Heart nag-eroplano papunta sa palengke

0 1,089

abante-paistaran-dondon-sermino

Humamig ng sangkatutak na reaksiyon ang latest tweet ni Heart Evangelista na kung saan ay makikita sa video na bumaba siya sa mamaha­ling kotse, at pagkatapos ay sasakay siya sa eroplano na parang siya lang ang pasahero. Makikita rin na nagbabasa siya ng magazine at nagwa-wine, ha!

Sabi nga, mamimili si Heart ng panghanda sa birthday niya ngayon. Siya mismo ang mamamalengke ng mga kamatis, sibuyas, bawang, at magluluto na rin. Hahahaha!

Pero siyempre, joke lang ‘yan ni Heart, at promo nga ‘yon para sa pagkakapili sa kanya bilang isa sa mga “stylish women” ngayong 2019 ng Metro Magazine.

Pero, ‘yun na nga, ang bongga ng tweet ni Heart, kaya lokang-loka ang mga fan, ha! Heto nga ang tweet ni Heart:

“Guys on the way na ako to the grocery. This is it! Pinakamabilis wala na trapik. See you.”
Oh, ‘di ba, sosyalera, bonggadera to the highest level si Heart. Kaya ang mga fan, mega-react talaga.

Sabi ni Steven Bansil: “Mars sabi ko sasabay ako e. Bibili rin ako ng kamatis. Iniwan mo ko.”
Heto pa ang reaksiyon ng mga netizen:

Freds Bartolo; “Grabe. Sos­yal at its finest. Only Heart can pull it off.”
Adrienne Larrubis: “Momsh pasabay may bibilhin din ako sa grocery.”
@thaniacareng: “Sis wait!! pasakay naman bibili rin akong sibuyas!!!”
@jacekyle03: “Can I Go with you sis @heart021485 , Im going to buy mantika..to make gisa the corned beef.”
@John_Wick28; “Ms. Heart balik ka ulit. Nalimutan mo yung suka.”
@haideeaki; “Pasabay naman . Naubusan kameng toyo.”

Kris bokya pa rin sa boylet ngayong V-day

Birthday rin ni Kris Aquino ngayon, at yes, sa Japan nga siya magsi-celebrate, na happy place kung ituring niya. Last year nga ay halos apat na beses silang nagpabalik-balik nina Josh, Bimby at KCA staff sa Japan.

Ang dami ngang alaala ni Kris sa Japan. At kapag gusto nga niyang mapangiti, ang Japan ang iniisip niya, at ang mga adventure nila ng mga anak niya.

“When flying to our happy place, @allnipponairways_official is really our FAVORITE. @bincailuntayao & @alvingagui were with us… Kuya Josh & @rochelleahorro flew via @delta. @rbchanco, @jonathanvelasco__, and @jacksalvador took @flypal. The FA­MILY is COMPLETE,” sabi ni Kris.

Well, bagay rin kasi kay Kris ang weather­ sa Japan ngayon. ‘Di ba nga, bawal na bawal kay Kris ang sangkatutak na puno, at mainit na panahon. Kailangan ay laging malamig ang paligid niya para hindi mag-react ang katawan niya, at mamantal na naman ang buong katawan niya.

Anyway, may nag-wish na ngayong birthday ni Kris, at araw rin ng mga puso, mas bongga sana kung may ka-date na boylet na si Tetay. Aba, matagal-tagal na rin siyang walang dyowa, kaya bongga na magka-lovelife naman siya ngayong special day.

“Kuntento na ako bilang mommy ng 2 boys,” sagot lang ni Kris.

Meaning, bokya pa rin si Kris ngayong V-day!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy