Una sa Balita

Bibig ni Arum dapat tahiin!

By
0 2,099

Dapat nang tumigil sa kadadakdak si Top Rank CEO Bob Arum dahil wala na itong kontrol sa mga susunod na laban ni Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao.

Giit ng kampo ng eight-division world boxing­ champion, totoong huling kontrata na ng magkukuwarenta-anyos na boxing legend sa Top Rank ni Arum, ang 2017 fight kay Jeff Horn sa Brisbane, Australia kung saan naagaw ng Aussie ang World ­Boxing Organization welterweight belt ng Pinoy ring legend.

“I reviewed the contract and I found out that Bob Arum has no more say even in the rematch, should there be any, between­ Manny Pacquiao and Australian boxer Jeff Horn,” ayon kahapon sa abogado ni Pacquiao na si Atty. Eldibrando Viernesto.

Ipinag-iingay ni Arum na nakakontrata pa rin si Pacquiao sa kanyang Top Rank kaya may pakialam pa rin aniya siya sa June 24 fight kay Argentinian WBA welterweight titlist Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Kontra rito ang publicist ni Pacquiao na si Aquiles Zonio.

Aniya, ang Manny Pacquiao (MP) Promotions ng senador na at ang Golden Boy Promotions ni Oscar Dela Hoya ang magpo-promote sa bakbakan.

“Arum has started ranting like a mad man upon learning he has no iota of involvement in the June 24 Pacquiao-Matthysse duel in Kuala Lumpur,” wika ni Zonio.

“Arum is not privy to the transaction so it’s better for him to keep his mouth shut.”