Una sa Balita

Biazon: Dahil maraming evacuee, SLEX, Skyway gawing ‘toll-free’!

0 415

Nakiisa si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa daing ng mga netizen sa Department of Transportation (DOTr) na pansamantalang suspindehin ang toll fee sa South Luzon Expressway (SLEx) at Skyway.

Ito ay upang bigyang-daan ang mga residenteng lumilikas dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal mula kahapon, Enero 12, 2020.

Sabi ni Biazon, “they should let their toll booth tellers take safety in their homes, not expose them in thick of the ashfall.”

Nakataas pa rin sa Alert Level 4 o ‘hazardous eruption imminent’ ang status ng Taal Volcano hanggang ngayong Lunes, Enero 13, 2020. Ibig sabihin, inaasahan na ang pag-erupt ng Bulkang Taal sa loob ng ilang oras o araw.

“Sana suspend muna TOLL FEES sa SLEX since marami ang nag eevacuate. Baka naman Department of Transportation?? Please be considerate naman maski ngayon lang po,” sabi ni @TENNISmacar.

“Can expressways waive fees, too? Until such time na maka settle lang ang lahat di ba,” ani @TigerMudra.

“Tangina seryoso yung slex kahit ganon na nangyayari sa lugar na malapit sakanila naniningil pa rin ng toll fee? Wtf??? Pera pa rin nasa isip niyo despite sa lahat ng nangyayari ngayon,” himutok ni @_jennyparma.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More