Una sa Balita

Bianca Umali retokada?

By
0 5,446

Sa sobrang ganda ng mukha ng Kambal, Karibal star na si Bianca Umali, may mga internet trolls na nagsasabing nagparetoke ito ng mukha.

Sa mga matagal nang kilala si Bianca, alam nilang hindi nagparetoke ang aktres na nag-turn 18 years old noong nakaraang March 2.

Maganda na talaga ang mukha ni Bianca noong bata pa siya at lalo pang na-enhance ang mga magagandang facial features nito habang nagkakaedad siya. Marami kasi ang naiintriga sa matangos na ilong ni Bianca, pero halata namang natural ang ilong nito dahil kita naman ang buto o ang nose bridge at walang mga bakas ng tahi sa paligid.

Abante Hiring – IT dep

Ang retokadong ilong kasi ay sobrang diretso at walang visible na nose bridge.

Simple lang naman ang sinagot ni Bianca sa retokada issue: “It’s all natural!”

Anyway, humarap si Bianca sa media para magbigay ng balita sa nalalapit niyang debut party­ on March 17 sa EDSA Shangri-La Hotel.

Nagkuwento si Bianca sa ilang detalye ng kanyang debut party kabilang na rito kung sino ang kasama sa 18 roses at 18 candles/treasures.

“Karamihan po ng kasama sa 18 roses and 18 candles/treasures ay fa­mily members ko po. May ibang relatives at mga non-showbiz friends ko.

“Sa showbiz po, kasama po siyempre si Miguel Tanfelix. Siya rin po ang last dance ko. Kasama rin ang ibang co-stars ko sa Kambal, Karibal na sina Jeric Gonzalez at Kyline Alcantara. Yung iba po surprise na lang,” ngiti pa ni Bianca.

Tatlong gowns ang ginawa para kay Bianca ng Pinoy designer na si Fay Reyes na based sa Dubai. Nirekomenda raw ito ng stylist ni Bianca na si JP Dizon.

Ayaw pa magbigay ng details si Bianca sa kanyang magiging debutant gown. Sa ngayon daw ay naibalik na raw ito sa Dubai para malagay ang ilan pang mga details na gusto ni Bianca.

“Yung design po ng gown, matagal ko na iyon gusto. Ilang taon kong tinago ‘yung design kasi ‘yun po ang dream gown ko ever since. Nasabi ko po na kapag may pagkakataon na magkaroon ako ng malaking debut party, iyon ang design na gusto ko sa gown ko. Kaya happy ako na nagkatotoo po lahat ng pinangarap,” saad pa ni Bianca.

Ni-reveal din ni Bianca na huli siyang nag-ce­lebrate ng birthday niya ay noong 7-years old. Since then daw ay hindi na siya nagse-celebrate ng bongga tuwing birthday niya.