Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bianca, Ruru ‘wet na wet’ sa video

0 236

Very open at public na talaga ang relasyon ng dalawang Kapuso na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Marami naman ang nag-heart sa photo at video na pinost ni Ruru kung saan, sabay silang nagja-jogging ni Bianca habang umuulan.

Naka-topless si Ruru habang naka-two piece na pang-exercise si Bianca pero parehong seksi-seksihan.

Ramdam sa post ni Ruru na miss nga nito ang girlfriend. Sabi ni Ruru, “Miss you. Each Day. Everyday. All the time.”

Parehong busy ang dalawa ngayon sa magkahiwalay nilang serye. Kaya kapag may free time lang siguro nakakapagnakaw ng mga moments nila. Madalas, pareho silang naka-lock in taping ngayon. Si Bianca sa Legal Wives at si Ruru naman sa Lolong.

Sharon binatikos sa suporta kay Biden

Naging isyu ang political choice ng Megastar na si Sharon Cuneta sa naging Instagram post nito.

SM food to go Banner Ad

Ang IG post naman niya ay tungkol sa isang bonggang blessing na natanggap niya na wish niya nga raw, mai-share niya pero, hindi pa niya magawa.

Marami naman ang natuwa at na- excite sa post na ito ni Sharon, pero nahaluan ng politika nang may pumuna sa choice niya ng lider at sa kung paano, palagi raw itong nagpo-post about God.

Sabi ng netizen, “Your post speaks almighty to our God… and yet you love this democrat president and Vice President who has no respect for what God wants! Pro abortion! Now disrespects biological woman in their own sports and so on!”

Sabi ni Sharon na pro-life siya pero ayaw niyang mag-judge ng iba.

“I am absolutely pro-life. Everything else, I refuse to judge and leave it to God Who, after all, is the One who created all of us, and He doesn’t make mistakes. I’d rather have a caring President who PRAYS and does His job from day one than one who has allowed hundreds of thousands to die from virus that a superpower country like that which he led could have acted upon much earlier. What an embarrassment to humankind.”

Madaling ina-assume ng mga follower ni Sharon na ang tinutukoy niya ay ang dating President ng U.S. na si Donald Trump na tila ang dating, napabayaan ni Trump kaya maraming namatay sa COVID-19. Na suportado niya ang bagong halal na president ng Amerika na si Joe Biden.

May mga nag-comment tuloy kay Sharon na sa laki ng U.S., hindi rin ganun kadali i-control ang virus bukod sa hindi naman daw ito ang may kagagawan ng COVID-19.

Karamihan naman ng fan, follower ni Sharon, nakiusap dito na ‘wag na raw mag-comment o pabayaan na lang ang politika ng America.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.