Una sa Balita

Bianca, Miguel susubukang itumba si Coco

0 418

So officially ay ‘Sahaya’ na ang ipantatapat ng GMA-7 sa ‘Ang Probinsyano’ ng ABS-CBN after mag-end ngayong gabi ng ‘Kara Mia’. Tignan natin kung susubaybayan pa ito ng marami sa bagong timeslot.

Maganda ang story at magagaling ang mga millennial star sa pangunguna ni Bianca Umali. Napansin na rin nang bonggang-bongga si Migo Adecer ng marami at natatalbugan na yata niya si Miguel Tanfelix.

Well, tall order ito para kina Bianca, Miguel, at Migo, ha! Aba, marami na nga ang tumapat kay Coco, pero nahirapan talaga sila. Pero, malay mo naman ngayon, ‘di ba? Hindi masama ang mangarap. (Joe Barrameda)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy