Una sa Balita

Bianca-Miguel sobrang husay sa aktingan

By
0 30

Finally nagpakita na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali sa Kambal, Karibal na pinagbibidahan nila.

Iba na talaga ang acting skills ng BiGuel aka Bianca Umali and Miguel Tanfelix.

Hindi kasi nila binigo ang kanilang fans nang sabihin nila na kakaibang Bianca at Miguel ang makikita nila sa GMA Primetime series na Kambal, Karibal.

Sa katunayan, isa na ito sa mga pinakainaabangang serye namin every night. Ayon sa vie­wers, may magandang istorya ito at cast.

Kapansin-pansin rin na hindi pinalampas ng vie­wers na bigyan ng papuri ang dalawa lalo na nang makita sila ng mga ito bilang Diego at Crisanta. Napakahusay niyo talaga, Bianca at Miguel!

Kapuso stars iba ang pakulo ngayong Pasko

Since Christmas is just around the corner, siguradong amazing at one-of-a-kind na naman ang GMA Christmas Special na handog ng GMA Network.

Balita kasi namin ay naglalakihang mga artista ang tampok dito na silang magpapagalingan sa dance floor at pati na rin sa kantahan.

Pero bukod dito, intriguing sa amin ang sinabi ng aming source na punong-puno raw ito ng sorpresa.

Balita namin ay pumunta sa iba’t ibang lugar ang mga Kapuso star para sa re­galong handog nila sa kani-kanilang mga tagahanga.

Mukhang iba nga ang pakulo ng Kapuso Network ngayong 2017. Sa Linggo, Dec. 17 sa SNBO natin ito mapapanood.