Una sa Balita

Bianca, Miguel nagkabalikan dahil sa ‘puso ng saging’

0 905

Ni: Dondon Sermino

BiGuel for the win! BiGuel forever!

Ganiyan ang chika ng mga fan nina Miguel Tanfelix at Bian­ca Umali sa pagbabalik tambalan nila.

Marami nga ang nalungkot nu’ng sabi-sabi ay nagkahiwalay ang dalawa. Na si Miguel ay napunta na kay Kyline Alcantara, at si Bianca ay na kay Ruru Madrid na.

Feeling ng mga fan, hindi na nila mapapanood na magkasama ang dalawa sa harap ng kamera.

Pero heto nga, ngayong gabi ay mapapanood na nila ang dalawa sa special episode ng Daig Kayo ng Lola Ko sa GMA 7, na may titulong ‘Super Ging at ang Puso ng Saging’

“Ako si Giging, at ako ang magiging superhero dahil sa puso ng saging,” kuwento ni Bianca.

“Ako gusto kong makilala ang superhero na ‘yon, not knowing na siya pala ‘yung ka-ibigan ko,” sey naman ni Miguel.

Kung titingnan mo ang dalawa, parang walang naganap na ‘problema’ sa pagitan nila last year. Kunsabagay, never naman silang nagsalita na may problema sila noon.

Ngayong gabi nga, siguradong magpipiyesta sa Twitter, o social media ang mga fan nila sa paglalahad ng mga nararamdaman nila, habang nakatutok sa lambingan, aktingan ng mga idolo nila.

Sa kuwento, si Giging ay isang simple and cheerful girl, na sikat dahil sa kanyang masarap na tinitindang banana­cue and turon. Kilala rin si Giging bilang matulu-ngin.

At kahit ang Tita Petra niya ay minamaliit siya tungkol sa kakayahan niya sa pagtulong.

At dahil doon, naikuwento ng batang si Otep ang tungkol sa itinatagong kapangya-rihan ng puso ng saging.

At isang gabi nga, nagpunta si Giging sa taniman ng saging, at sinubukan niyang itapat ang bibig niya sa puso ng saging. Pero, biglang dumating ang isang unggoy, at nag-transform na isang banana plant fairy… na tinawag na ‘FAIRY GOSH MONKEY’. Sabi ng fairy kay Giging, ang midnight ay hindi right time to get the magical drop of the banana heart… Tuwing madaling-araw rin daw kasi lumalabas ang mga tikbalang, kapre, and aswang, na gusto ring makuha ang magical drop.

Sinabihan din ni Fairy Gosh Monkey si Giging na maghintay sa mga darating na pa-nganib, dahil ‘yon daw ang mabisang daan para makuha rin ni Giging ang the most-coveted drop.

At ‘yun na nga, gumawa agad ng pagtulong si Giging, at nu’ng bumalik siya sa sagingan, nakita niyang umiilaw ang puso ng saging. Gi­ging opens her mouth and swallows the magical drop of the banana heart.

Tinuruan siya ni Fairy Gosh Monkey ng special transformation chant, and as Giging follows, she suddenly transforms into a sexy superhero – SUPER GING! Siyanga pala, kasama rin dito ang bagong Kapuso na si Kiray Celis.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy