Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bianca Manalo napagkamalang si Bb Gandanghari

0 325

Napagkamalang si BB Gandanghari (dating Rustom Padilla) ng ilang netizen si Bianca Manalo. Ipinagdiinan pa ito ng netizen sa tweet ng kasintahan ng actress-beauty queen na si Sen. Win Gatchalian, na bumati ng happy birthday.

Pinoste ni Sen. Win ang larawan ni Bianca kasama ang ipinadala nitong litson sa huli para sa selebrasyon nito.

“Lechon-loving partner,” ang deskripsyon ni Sen. Win kay Bianca na makikitang umaapaw ang saya sa mukha nito.

Sa unang tingin ng isang netizen akala nya ito ay si BB Gandanghari ito.

@narrajr: “Seryoso. Akala ko si Rustom Padilla. Naisip ko friends pala sila. Pag open ko ng comments si Bianca Manalo pala. Happy birthday.”

Well, dedma naman si Sen. Win sa comment ng netizen.

Hindi nga matatapos ang ligaya sa puso ng aktres dahil bukod sa lechon, may malalaking bulaklak pa na ipinadala sa kanya ang politiko.

Janine inuulan ng biyaya

Tuluy-tuloy ang buhos ng suwerte kay Janine Gutierrez sa panahong ito ng pandemya at sa gitna ng mga nawiwindang na ibang mga artista na wala pa ring trabaho at regular na pinagkakakitaan.

SM food to go Banner Ad

Matapos manalo ng best actress sa nakaraang Gawad Urian, heto at magsisimula na uling gumawa ng pelikula ang Kapuso actress sa ilalim ng TBA Studio.

Nakaposte sa Instagram ni Janine ang balita sa front page script kung saan mababasa ang titulo ng movie na “Dito at Doon.”

Makakapareha ni Janine ang indie actor na si JC Santos at ididirehe ito ni JP Habac.

Wala mang TV series si Janine sa GMA 7 ngayon, at least meron naman siyang pinagkakaabalahan na pelikula.

Paawa epek ni Derek ayaw kagatin ng mga fan

Pinasalamatan ni Derek Ramsay ang kanyang mga magulang sa mensaheng pinoste nito kalakip ang larawan kanyang ina at ama sa Instagram.

Sa caption mababasa na kumakapit si Derek sa parents niya sa lahat nang mga pinagdadaanan niya kaugnay sa hiwalayan nila ni Andrea Torres.

“Thank you lord for my parents who always there for me and love me unconditionally. Mum and Dad thank you for everything you have done for me and the family. Thank you for keeping me strong, thank you for believing in me and thank you for protecting me. #stickandstonecanbreakmybonesbutwordswillnothurtme,” sabi ni Derek.

Sobrang dami ngang panlalait ang natatanggap ni Derek ngayon dahil sa hiwalayan kay Andrea. Pero, para sa mga netizen, paawa epek lang `yon ni Derek, kaya hindi nila kinakagat.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.