Una sa Balita

Bianca-Kyline, Maymay-Edward bugbugan sa ere ngayong gabi

By
0 252

Matinding bakbakan sa ere ang magaganap ngayong gabi. Maghaharap ang parehong pambato ng ABS-CBN 2 at GMA-7, kaya siguradong hindi magpapatalbog ang kani-kanilang mga tagahanga.

Sa GMA, alam ng lahat kung gaano kalakas ang tandem nina Kyline Alcantara at Bianca Umali, na una ngang nakita sa “Kambal Karibal”. Nagwakas ang “Kambal Karibal” na nasa ituktok at super lungkot ang mga fan na hindi na nila nakikita ang da­lawa na nagsasampalan, nagsasabunutan, nagyayakapan, nagmamahalan.

Malaki na ang hukbo ng mga tagahanga ng dalawang ito, at kahit saan sila magpunta, ginigiba nila ang venue, sa sangka­tutak na fan na sumusugod sa kanila.

Hindi rin naman pagkakabog ang tandem nina Maymay Entrata at Edward Barber. Sa sobrang kasikatan ng tandem nila, nabigyan agad sila ng pelikula, at heto nga at magbibida na naman sila sa isang teleserye sa ABS-CBN.

Pero ngayong gabi nga, bugbugang umaatikabo ang magaganap. Sina Kyline, Bianca at Daig Kayo ng Lola Ko na pinamagatang “Dobol, Tripol Trobol”, at sina MayWard naman sa “Wansapantaym Presents: Ikaw ang GHOSTo Ko”.