Una sa Balita

Bianca hindi pa inalok ng kasal ni Sen. Win

0 519

So, wala pa pala talagang marriage proposal si Senator Sherwin Gatchalian sa girlfriend niyang si Bianca Manalo. Sa Pandesal Forum kahapon na ginanap sa Kamuning Bakery ay sinabi ng butihing senador na hindi pa nga sila magpapakasal ng beauty queen turned actress.

Kuwento ni Wilson Lee Flores na owner ng oldest bakery in Quezon City, “Nag-vacation daw si Senator Win at girlfriend niyang si Bianca sa Paris, France kasama ang Gatchalian family, wala raw marriage proposal na nangyari.

“Pero mukhang serious romance na. Mukhang sobrang in love si Senator Win kay Bianca. Masaya at mukhang mas bumata siya,” sabi pa ni Wilson.
Isang close friend ni Bianca ang inusisa ko.

“Wala pa palang marriage proposal, eh!” sabi ko.

“Wala pa nga. Hindi pa nagpo-propose, pero they’re so in love. Very open sila sa relasyon nila.

“Wala pang ring, pero baka malapit na,” sabi ng kausap ko.

Eh, bakit may “hashtag” na silang malalapit kay Bianca para sa wedding nito kay Senator Win?

“Hahaha! Yes, may ‘hashtag’ na. Pero wala pa ngang ring. Pinaghahandaan na kasi ng friends namin, kaya parang doon na rin naman mapupunta ‘yon!” depensa ng inusisa ko.

Well, at least, any time na mag-propose si Senator Win kay Bian­ca, ready na ang close friends nila sa wedding nila, huh!

Ang bongga!

‘It Girl’ matagal nang kabit ni politiko

‘Yong isang “It Girl” sa showbiz nga­yon pala ang sinasabing girlfriend ng isang politician na dating artista rin. Matagal na raw ang relasyon ng dalawa.

Actually, teenager pa lang daw si “It Girl” ay silang dalawa na ni politician.

Si “It Girl” nga raw ang dahilan kung bakit iniwanan ni politician ang isang starlet na kapapalit lang ng screen name.

Matagal na nakarelasyon ni politician si starlet, pero mas katakam-takam daw si “It Girl” kaya matagal-tagal na rin ang relasyon nilang dalawa.

Actually, aware raw ang misis ni politician sa relasyon ng kanyang mister kay “It Girl”, pero deadma na lang siya at ang dialogue ay, “Ang misis, hindi puwedeng basta iwanan dahil sa kabit!”

Well, mukhang tama naman si misis (na da­ting artista rin) sa dialogue niyang ‘yon dahil kahit ilang beses na ring natsikahang nagkakagulo sila ni politician ay silang dalawa pa rin naman hanggang ngayon.

Si misis pa rin ang kasa-kasama ni politician sa official functions na dinadaluhan niya. ‘Kaloka!

Anyway, napansin ko na madatung si “It Girl” at hindi na ako nagtaka dahil generous naman si politician.

Actually, kahit naman ‘yung starlet na nakarelasyon noon ni politician, kapag problemado ay sa kanya pa rin lumalapit at hindi naman niya natitiis.

Saka sabi nga ni starlet noong nakakatsikahan ko siya, mapagmahal daw si politician.

‘Yon nga lang, maraming minamahal si politician! Grabeee!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More