Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bianca, Dottie papalo sa Hawaii

0 144

MAGKAKASAMA na sa unang pagkakataon sa taong ito ang dalawang pambato ng ‘Pinas na sina 2020+1 Tokyo Olympian Bianca Isabel Pagdanganan at Dottie Ardina sa 72nd Ladies Professional Golf Association Tour 2022 Leg 8 $300K (P104M) 10th Lotte Championship sa Hoakalei Country Club Ewa Beach sa Oahu, Hawaii sa April 13-16 (14-17 sa Maynila).

Pang-apat na torneo ito ni Pagdanganan sa kasalukuyang taon sa world premier ladies circuit samantalang una pa lang para kay Ardina.

Nakasabayan nila sa practice round ang kakluwadra nila sa ICTSI na si Yuka Saso ng Japan.

Nag-41st place si Bianca sa LPGA Drive On Championship sa Florida noong Feb. 5 samantalang sumablay sa cut off sa dalawang event noong Jan. 30 at Mar. 27 si Ardina.

Sa panig ng Fil-Japanese na si Saso, pampito na niya ang Lotte. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.