Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Biado pangalawa sa 9-ball ranking

0 61

NAABOT ni Carlo Biado ang pagiging ranked No. 2 nine-ball pool player sa buong mundo bago nito simulan ang kampanya para sa taong 2022.

Itinalaga bilang No. 2 ang kasalukuyang US Open champion sa pinakaunang Nine-Ball World Rankings na sanctioned ng World Pool-Billiard Association.

Si Dennis Orcollo ang isa pang Pilipino na nakapuwesto sa Top 32 sa pag-okupa nito sa No. 24 spot.

Gagamitin ang WPA rankings sa pagtatakda ng seeding sa mga 9-ball event kung saan makakaipon ang mga player ng puntos depende sa kanilang pagtatapos sa mga kinikilalang WPA events.

Unang sasabakan ni Biado ang Derby City Classic sa Elizabeth, Indiana na sasargo sa Enero 26-29.

Nakatakda sa malalaking events ngayong taon ang World Pool Championship king sa Abril, ang pinakaunang UK Open sa Mayo, ang World Cup of Pool sa Hunyo, at ang US Open Championship sa Oktubre.

Una sa ranking ang Austrian na si Albin Ouschan matapos magwagi sa 2021 World 9-Ball Championship, habang si David Alcaide ng Spain ang nasa ikatlo kasunod si Shane Van Boening ng US at Austrian Max Lechner ang Top 5. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.