Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Biado, Orcollo sa KO round

0 35

PANGUNGUNAHAN nina former World No. 1 player Carlo Biado at 2011 WPA World 8-Ball Championship king Dennis Orcollo ang apat na Pinoy cue artist na nakapasok sa round-of-16 ng US Open Pool Championship na ginaganap sa Hannah’s Resort sa Atlantic City, New Jersey.

Kinalos ni 42-year-old Orcollo si Oliver Szolnoki ng Hungary, 11-6, sa winner’s qualification upang ilista ang panglimang sunod na panalo.

Namayagpag din sa winner’s bracket si Johann Chua, tinalo naman niya si Mieszko Fortuńsk ng Poland, 11-7, upang makasama sina Orcollo at Biado sa last 16.

Sa loser’s qualification naman dumaan si Biado at isa pang Pinoy na si Rodrigo Geronimo.

Bawal nang kumurap sa round-of-16 dahil isang pagkakamali lang ay masisibak na agad sa torneo.

Makakaharap nina Orcollo at 37-anyos Biado sina Mario He ng Austria at David Alcaide Bermidez ng Spain, ayon sa pagkakasunod.

Makakatumbukan naman ni Chua si John Morra ng Canada habang kalaban ni Geronimo si Estonian pool player Dennis Grabe. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.