Una sa Balita

Biado, ‘Bata’, Amit sasargo na

By
0 6

KUALA LUMPUR, Malaysia — Sisimulan ng star-studded national men’s and women’s team sa pangunguna nina reigning World Games champion Carlo Biado at former world champions Efren ‘Bata’ Reyes, Dennis Orcollo at Rubilen Amit ang kampanya sa gold medals sa pagsargo ngayong umaga ng 29th Southeast Asian Games 2017 billiards & snookers competitions sa KL Convention Centre dito.

Salang lahat ang 11-player Philippine squad umpisa sa 10:00 a.m. kung saan tutumbok sina Reyes at Francisco dela Cruz sa men’s English billiards, sina Orcollo at Warren Kiamco sa men’s 9-ball pool doubles, sina Amit at Chezka Centeno sa women’s 9-ball pool singles, at sina Alvin Barbero at Jeffrey Roda’y ­tutumbok sa snookers doubles (Scotch).

“Mahirap magsalita ng tapos dito, basta ready naman kami at gagawin na lang ang best,” matipid na komento ni Reyes, 62, na umaaktong national playing coach kasama sina Francisco ‘Django’ Bustamante at Rodolfo Luat.

Nakaapat na bronze medals ang Angeles City native sa huling tatlong edisyon ng 11-country, biennial sports extravaganza mula 2011-2015 sa Indonesia (Palembang), Naypryitaw (Myanmar) at Singapore.

Humablot ang Pinoy cue artists ng 3-1-5 gold-silver-bronze medals dalawang taon na ang nakalilipas upang makuha ang overall championship ng sport. Gold medalists sina Biado/Kiamco sa 9-ball pool men’s doubles, Centeno sa  9-ball pool women’s sigles at Orcollo sa 9-ball pool men’s singles.