Una sa Balita

BI tumiba ng P1B sa mga Chinese

0 362

POSIBLENG umabot na umano sa P1 bilyon ang nahuthot ng ilang tiwa­ling opisyal ng Bureau of Immigration (BI) para mabilis na makapasok ang mga Chinese tourist at makapagtrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa, ayon kay Senador Risa Hontiveros.

“Somebody sold our country’s borders for Chinese money,” pahayag ng senador sa pagdinig kahapon ng Senate Committee on Women hinggil sa mga pinupuslit na POGO worker sa bansa.

“Kung sasabihin na­ting 1 million ang pumapasok gamit ang ‘pastillas’ system, one billion pesos na ang nabayad na kickback,” paliwanag ni Hontiveros.

Sa huling pagdinig ng komite ni Hontiveros noong nagdaang linggo, ibinunyag ng BI na 1.8 milyong Chinese ang pumasok sa bansa nitong nagdaang taon.
“The lion’s share goes to the bosses,” pahayag ni Hontiveros sa mga opisyal ng BI na dumalo sa pagdinig.

“Somebody rigged the system, centralized the operations, and made this into a billion-peso enterprise. Pinapapasok ang mga Chinese nationals kapalit ng pera, effectively making us borderless,” dagdag pa nito.

Sa pagdinig kahapon sa Senado, ipinakita ni Hontiveros ang video ng isang immigration officer na nag-e-escort sa mga Chinese national patungo sa tanggapan ng BI para i-validate ang kanilang identity.

“Bakit parang may VIP escort itong mga Chinese nationals papasok ng bansa?” tanong ni Hontiveros, kasabay ng pagpapakita rin ng mga screenshot ng Viber group na naglalaman ng mga pangalan, flight detail at litrato ng mga Chinese national.

“‘Wag na ‘wag niyong lolokohin ang taumbayan. Hindi standard procedure ‘yan,” diin pa ng senadora.

Inilantad din ni Hontiveros ang mga litrato mula sa isang whistleblower ng cash distribution na tinatawag na ‘pastillas’ sa loob ng BI.
“Tinanong ko bakit pastillas ang tawag. Dati raw kasi, wala pang mga sobre so nilalagay sa bond paper at nirorolyo na parang pastillas,” ayon kay Hontiveros.

Bawat Chinese ay P10,000 ang service fee pero P2,000 lang ang napupunta sa immigration.

“Nasaan na ‘yung P8,000? Ayon sa aming informant, distributed na, bago pa man makarating sa airport: Sa Chinese tour operator, sa kakontratang local tour operator, at sa sindikatong magdo-downstream sa airport,” pagbunyag pa ng senadora.

Nagulat naman si Immigration Port Ope­rations Division acting chief Grifton Medina sa ginawang presentasyon ni Hontiveros.
“This is the first time I saw this particular breakdown of accounts,” aniya pa. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More