Una sa Balita

BI nagdagdag ng puwersa para sa holiday season

By
0 275

Nagpahayag na ng kahandaan ang Bureau of Immigration (BI) sa ‘holiday rush’ kasabay ng pagpapakalat ng 56 pang karagdagang immigration officers (IOs) sa iba’t ibang mga international airport upang palakasin ang kanilang puwersa sa panahon ng Kapaskuhan.

Sinabi ni BI Port Operations Division Grifton Medina na ang kautusan sa paglalakbay na nag-aatas sa mga empleyadong mag-report sa kanilang mga assignment sa susunod na linggo ay na­bigyan na ng direktiba ni Immigration Commissioner Jaime Mo­rente. Ang karagdagang mga IO ay may layong makatulong sa pagproseso ng libo-libong internasyonal na pasahero na inaasahang papasok at lalabas ng bansa sa panahon ng bakasyon.

Inaprubahan na aniya ni Mo­rente ang kanyang rekomendasyon na ipatupad ang personnel augmentation scheme kaugnay ng ini­ulat na pagtaas ng bilang ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang mga paliparan sa nakalipas na mga araw.

“We are actually expecting an upsurge of travelers entering the Philippines by around the se­cond or third week of December as Christmas time approaches,” anang Medina.

Ayon kay Medina ang naturang plano ay may layong matiyak na ang mga bumibiyahe ay hindi pipi­la ng mahaba sa immigration arrivals at departure areas, na kadalasang problema ng BI sa panahon ng Christmas season.

Ang 56 IOs na nabigyan ng tra­vel orders, ay 19 sa kanila ang mapupunta sa NAIA habang ang 37 iba pa ay galing sa mga paliparan sa Clark, Mactan, Kalibo at Davao.

Ang mga IO na nakatalaga sa BI main office at sa iba pang mga lugar ng imigrasyon at mga tanggapan ng satellite sa buong bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More