Una sa Balita

BI nagbawas ng tauhan sa NAIA

0 402

Dahil sa mga kanselasyon ng mga flight at travel restrictions na ipinatutupad dulot ng COVID-19 pandemic ang nag-udyok sa Bureau of Immigration (BI) na bawasan ang operasyon at mga pumapasok na mga empleyado nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

“Starting today, we are relocating our offices and operations at Terminals 2 and 3 to Terminal 1 where all flights to and from NAIA shall take place,” sabi ni BI Commissioner Jaime Morente.

Una nito, inihayag ng Manila International Airport Authority (MIAA) na inilipat ang lahat ng operasyon nito sa terminal 1 ng NAIA dahil sa pagsuspinde ng maraming mga flight ng iba’t ibang airlines bunga ng patuloy na enhanced community quarantine.

Ang downscaling sa airport operations aniya ay nagresulta upang magtalaga ng skeletal workforce sa NAIA na sapat upang matiyak na tuloy tuloy ang paghahatid ng serbisyo sa mga naglalakbay na publiko

“This would enable our personnel to lessen the risk of getting infected by this virus,” anang BI chief.

Sinabi ni Morente na ang aksyon ay naglalayong matiyak ang mga peligro na mabawasan, habang ang IOs ay patuloy na pumapasok bilang mga frontliners sa paliparan sa gitna ng patuloy na community quarantine upang malabanan ang pagkalat ng COVID-19. (Mina Aquino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More