Una sa Balita

BI may warning sa mga dayuhan

By
0 623

Pinaalalahanan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga dayuhang nakarehistro sa ahensiya na may natitira pa silang hanggang March 1 o sa Biyernes upang pumunta sa pinakamalapit na field office ng ahensiya at gawin ang kanilang 2019 annual­ report.

Iginiit ni BI Commissioner Jaime Morente na ang annual reporting period­ ay hindi maa­ring palawigin at binigyan ng babala ang mga ito na ang mga hindi susunod ay maaaring magmulta o makasuhan dahil sa paglabag sa alien registration act.

Ipinaliwanag ni Moren­te na maaaring mag-ulat ang mga dayuhan sa alinman sa mga itinalagang field office, satellite at mga extension na opisina sa buong bansa, ang listahan­ na maaaring ma-access sa pamamagitan ng website ng BI.

Ang 1951 Alien Registration Act ay nag-oobliga sa lahat ng mga BI-registered alien, na may hawak na immigrant at non-immigrant visas, upang gawin ang taunang pag-uulat sa loob ng unang 60 araw ng isang calendar year.

Ayon kay Jose Carlitos Licas, BI Alien Registration Division Chief, ang bawat dayuhan ay kaila­ngang magdala at magpa­kita ng kanyang alien certificate ng registration card (ACR I-Card) at magbayad­ ng P300 annual report fee at P10 legal research fee sa gobyerno.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More