Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BI: Illegal recruitment nabawasan sa pandemya

0 127

Bagama’t hindi ganap na natigil, bumaba naman umano ang bilang ng mga biktima ng illegal recruitment at human trafficking dahil sa COVID-19 pandemya noong 2020, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Halos 12,000 Pinoy umano ang naharang ng BI na makaalis ng bansa noong nakaraang taon dahil sa patuloy na kampanya ng ahensya laban sa illegal recruitment at human trafficking.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, nasa 11,706 na mga pasahero ang napigilang umalis sa iba’t ibang port of exit sa bansa at 9,411 sa mga ito ay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Aniya pa, malaki ang epekto ng mga pinatupad na paghihigpit sa biyahe at pagsuspinde sa mga international flight dahil sa COVID-19 pandemya. (Mina Navarro)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.