Una sa Balita

BI: Dayuhang manggagawa, kailangan ng TIN

0 216

PINAALALAHANAN ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang mga dayuhang manggagawa sa Pilipinas na kumuha ng Tax Identification Number (TIN) mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) bago sila mag-apply ng isang work visa.

Ang BI aniya, bilang bahagi ng Inter-Agency Task Force sa Employment of Foreign Natio-nals, ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa BIR, Department of Justice (DOJ), Department of Labor and Employment (DOLE), at iba pang mga ahensya ng gobyerno upang pagtugmahin ang mga patakaran sa mga dayuhang manggagawa.

Sinabi ni Moren-te, ang hakbang ay isang simpleng solu-syon upang magkaroon ng malaking epekto sa koleksiyon ng buwis at ang aksyon ay isang resulta ng mga ahensiya ng pamahalaan na nagtutulungan. (Mina Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy