Una sa Balita

BFP sa Department of Disaster Management, hinirit ni Tolentino

0 530

Dapat ilagay ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa pamamahala ng ipinapanukalang Department of Disaster Management para ito’y mapatakbo nang maayos, ayon kay Secretary Francis Tolentino.

“Fire is like a disaster. It happens happen on an everyday basis and that it would be more efficient if the Department of Disaster Management would handle fire operations,” wika ni Tolentino sa pana­yam ng DXFL 88.9 dito.

“Like a natural disaster, fire outbreaks causes injuries, displacement of individuals and even death, so it is best that it be put under the jurisdiction and supervision of a new department that President Duterte is suggesting,” dagdag pa ni Tolentino.

Abante Hiring – IT dep

Isa pa, iginiit ni Tolentino na matututukang m­aigi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang iba nitong tungkulin na patakbuhin ang Philippine National Police (PNP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sa kanyang State of the Nation Address (SONA), nanawagan si Pangulong Duterte sa Kongreso na madaliin ang pagpasa ng batas na lilikha sa Departmen­t of Disaster Management.

Ayon kay Duterte, malaki ang maitutulong ng isang departamento na mas makapangyarihan sa kasalukuyang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) pagdating sa tutugon sa mga kalamidad, maging natural man o gawa ng tao.

Habang narito, dumalo si Tolentino sa Kinabayo Festival noong Hulyo 25, 2018 sa Dapitan City, Z­amboanga del Norte bilang kinatawan ni Pangulong Duterte.

Si Tolentino ay dating Tagaytay City mayor at chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bago itinalagang Presidential A­dviser on Political Affairs.