Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BF positive: Maja ‘di tinablan ng virus

0 360

In fairness, Dondon (my dear editor), matibay ang immune system ni Maja Salvador dahil kahit kasama niyang bumalik sa bansa ang boyfriend na si Rambo Nuñez at kapatid na si Kirby Andres ay hindi siya nagka-Covid-19.

Sina Rambo at Kirby kasi ay prehong nag-positive sa nasabing virus.

Mismong nanay nga ni Rambo, si Ms. Marilen Nuñez, ang nagsabing ang tibay nga ni Maja.

Anyway, sina Rambo at Kirby naman ay parehong almost no symptoms daw.

“Hopefully maging ok na rin sila,” sey ni Tita Marilen.

Kung matatandaan, sa Los Angeles, California nag-Christmas break sina Maja at Rambo. Kasama ni Maja ang kapatid na si Kirby at si Rambo naman ay kasama si Tita Marilen at iba pang relatives.

Get well soon, Rambo and Kirby!

Nanay ni Albie boto kay Shanaia

Mukhang nahanap na ni Albie Casiño ang right tandem for him dahil sobrang kilig-kiligan ang mga fan sa kanilang dalawa ni Shanaia Gomez na nakasama niya sa ‘Pinoy Big Brother’.

Para nga sa mga fan ng ShaiBie ‘love team’, age doesn’t mother kahit 9 years ang age gap ng dalawa.

Ang hiling nga nila sa ABS-CBN ay bigyan ng projects na magkasama sina Albie at Shanaia.

‘Katuwa rin ang mga fan nila dahil nang mabalitaan na boto ang nanay ni Albie, si Rina Casiño, sa dalaga ay sobrang kilig sila.

Inusisa ko nga si Mommy Rina kung nanliligaw na ba si Albie kay Shanaia, pero sabi niya, ang alam niya ay hindi pa.

Ayaw naman daw kasi ni Albie na madaliin ang lahat.

Pero siyempre, aminado naman si Albie na may big crush siya kay Shanaia, kaya mismong si Mommy Rina ay kinikilig, huh!

Ay, Dondon, interesting nga pala na magkasunod ang birthday nina Albie at Shanaia. May 14 ang binata at May 15 naman si Shanaia.

Nice!

Leave A Reply

Your email address will not be published.