Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

BF ni Lorin sasabunutan ni Annabelle

0 893
Jun Lalin – Anything Goes – Abante TNT Breaking News

August 3 ay 17 years old na ang panganay ni Ruffa Gutierrez na si Lorin. Siyempre dahil COVID-19 pandemic pa rin naman, walang party si Lorin.

Last year naman ay binigyan na siya ng Sweet 16 birthday event ni Ruffa. Noong Sunday, may belated quarantine birthday siya sa White Plains house ng pamilya Gutierrez.

‘Kaaliw lang ‘yung video kung saan tinanong ni Lorin ang lola niyang si Annabelle Rama ng message nito sa future boyfriend niya.

“What’s your message to my future boyfriend?” tanong ni Lorin kay Bisaya na sinagot naman ng kanyang lola agad-agad without batting an eyelash nang:

“Lorin, huwag kang magkakamali, sasabunutan ko ang boyfriend mong ‘yan!!!”

Hahaha!

Noong kabataan ni Ruffa, marami rin namang manliligaw ang kanyang panganay na anak na na-terrorize ni Bisaya, ‘noh?!

Pero feeling ko lang, Dondon (my dear editor), kung si Bisaya ay ganoon ang reaksyon sa dialogue ni Lorin, naku, kung si Ruffa ‘yon at magkaka-boyfriend na nga ang panganay niyang anak, baka magtatatalak din siya, ‘noh?!

Feeling ko talaga, sa nakikita ko, mas mahigpit na nanay si Ruffa sa mga anak niyang sina Lorin at Venice, huh!

Si Bisaya, spoiler sa apong si Lorin dahil palagi niyang  sinasabi na unang apo kasi niya ang panganay ni Ruffa.

May mga pagkakataon nga na sinasabihan ni Ruffa si Bisaya na dapat pantay ang treatment ng kanyang nanay sa lahat ng kanyang mga apo!

Anyway, sa September 11 naman ang 16thbirthday ni Venice.

Last year, may plano si Ruffa na bigyan din si Venice ng Sweet 16 birthday celebration like Lorin, pero siyempre, dahil nga sa virus situation ngayon, hindi na tuloy ‘yon.

Simpleng birthday celebration na sila-silang magkakapamilya lang ang mangyayari sa September 11, pero nang makatsikahan ko si Ruffa ay sinabi niyang kapag ok na ang lahat, ang sabi niya kay Venice ay magta-travel na lang sila.

“Told Venice na she better pray na kapag puwedeng mag-travel na ay may budget pa rin ako. Hahaha!” tatawa-tawang dialogue ni Ruffa nang mapag-usapan namin ang nalalapit na birthday ng kanyang bunso.

Pero sa totoo lang, sa mga nangyayari kasi ngayon, ang hirap ding magplano. Very uncertain ang lahat at sana nga ay magkaroon na talaga ng vaccine sa virus.

But for now, kung anuman meron tayon, matuto tayong magtiis at magpasalamat. ‘Yung paggising pa lang natin sa araw-araw ay blessing na  sa atin!

Sabi nga, let’s all be positive in life kahit ano pa ang nangyayari  sa ating kapaligiran at ang tanging negative lang dapat ay sa COVID-19!

Juami Gutierrez bagay na Captain Barbell

May mga nangungulit sa akin na nakapanood kay Juami Gutierrez sa “Anything Goes” show ko sa Facebook page ng  Abante News Online.

Talaga raw bang mula sa pamilya Gutierrez si Juami?

Well, according to my research, apo nga siya ni Jun Gutierrez na kapatid ni Bob Soler (unang Captain Barbell) and Nena Diaz na misis ni Paquito Diaz (pareho na silang yumao).

Sina Jun, Bob and Nena ay pinsan ni Eddie Gutierrez, so lolo rin ito ni Juami.

So, may dugong-showbiz talaga si Juami at pinsan niya si Kiko Estrada na anak ni Gary Estrada kay Cheska Diaz na kapatid ni Joko Diaz.

Auntie naman ni Juami ang dating Viva star na si Bernadette Allyson na misis ni Gary.

Sa tsikahan nga pala namin ni Juami, nabanggit ng binata na kahit may pandemic pa rin, hindi naman siya nawawalan ng pag-asa na gaganda pa rin ang kanyang showbiz career in the future lalo na at co-manager sa kanyang career ang Viva Artists Agency.

Very optimistic nga si Juami na like his famous showbiz relatives, magkakaroon din siya ng sariling tatak sa mundong ginagalawan niya ngayon!

I think, bagay rin kay Juami ang maging Captain Barbell, di ba?

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.