Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Beyonce pasabog ang ‘Break My Soul’

0 77

Pagkaraan ng anim na taon, naglabas na ulit ng bagong single si Beyonce na ang titulo ay “Break My Soul”.
Maraming fans ang naghintay sa muling pag-reyna ni Beyonce sa charts at natuwa silang nagbabalik na ulit ito sa pagkanta.

Inawit ni Queen Bey ang ilang bahagi ng kanyang song na tungkol sa self-love at pagbibigay halaga sa pamilya:

“Now, I just fell in love, and I just quit my job, I’m gonna find new drive, damn, they work me so damn hard, Work by nine, then off past five, And they work my nerves, that’s why I cannot sleep at night. Motivation, I’m looking for a new foundation, yeah, And I’m on that new vibration, I’m buildin’ my own foundation, yeah, Hold up, oh, baby-baby.”
Kasunod ng single ay ang pag-release ng bagong album. Huling album ng hitmaker ay ang Lemonade na lumabas noong 2016 pa. Ang title ng bagong album niya ay Act 1, Renaissance.

Matagal na nagpahinga si Queen Bey dahil gusto niyang mag-focus sa kanyang lumalaking pamilya. Ang panganay nila ni Jay-Z na si Blue Ivy Carter ay 9-years-old na at ang twins nilang sina Rumi at Sir ay 4-years-old na. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.