Una sa Balita

Bette Midler pinaulanan ng hate tweets ng PDu30 supporters

By
Mariel De Leon
0 10

Hindi nag-iisa si Mariel de Leon dahil biktima rin ng bashing noong Martes ang American singer na si Bette Midler, ang kumanta ng hit song na Wind Beneath My Wings.

Napikon kay Midler ang mga supporter ni President Rodrigo Duterte dahil sa kanyang Twitter post na “Murderous dictator Duterte serenaded Trump with a Filipino love song. Vlad, somebody’s tryin’ to steal your man.”

Hindi yata alam ni Midler na active ang mga Filipino sa social media kaya kinuyog siya ng mga supporter­ at sympathizer ng presidente ng Pilipinas.

Umani si Midler ng mahigit sa 26,000 hate tweets mula sa mga nainsulto at na­galit sa komento niya­ tungkol kay Duterte.

Masasakit at mga below-the-belt ang mga batikos kay Midler na tiyak na natauhan at nagkaroon ng realization na mahirap mag-umpisa ng giyera laban kay Duterte dahil dudurugin siya ng pinong-pino ng mga supporte­r ng kontrobersiyal na pangulo­ ng Pilipinas.

Mariel de Leon wasak na wasak ang pagkatao

Mariel de Leon

Biktima na naman ng online bashin­g si Mariel de Leon dahil natalo siya sa Miss International 2017 na ginanap noong Martes, November 14, sa Tokyo Dome City, Tokyo, Japan.

Kahit may mga natutuwa sa nangyari kay Mariel, marami rin ang nagbigay sa kanya ng moral support at nagpayo na huwag intindihin ang haters at bashers.

Ang pagyurak sa pagkatao ni Mariel ang matibay na patunay na natalo man siya sa Miss International­ 2017, panalo pa rin siya dahil masyadong apektado sa kanya ang detractors niya na hind­i makapag-post ng komento sa Instagram account ng beauty queen dahil disabled ang comments section nito.

Nakatutok ang lahat sa coronation day ng Miss International­ 2017 at sa magiging kapalaran ni Marie­l kaya halos walang nakapansin sa pag-alis sa Pilipinas ni Chanel Olive Thomas, ang reigning Bb. Pilipinas Supranational.

Si Thomas na kilala rin bilang ex-girlfriend ni Jake Cuenca ang Philippine delegate sa Miss Supranational 2017 na magaganap sa December 1 sa Krynica Zdroj, Poland.