Una sa Balita

Beteranong direktor patay sa cardiac arrest

By
0 3,506

Isang linggo pa lang ang nakakaraan noong pumanaw ang award-winning film and TV director na si Direk Maryo J. delos Reyes. Heto at nagluluksa ulit ang showbiz dahil sa pagpanaw ni Direk Argel Joseph, isa sa kinikilalang mahusay na direktor sa TV at pelikula na nakatrabaho ang halos lahat ng mga sikat na artista sa industriya.

Pumanaw si Argel Joseph (Angel Cruz sa totoong buhay) noong nakaraang Miyerkoles dahil sa cardiac arrest. He was 74 years old.

Mas nakilala si Direk Argel dahil sa mga naging trabaho niya sa telebisyon tulad ng long-running weekend drama anthology na Lovingly Yours, Helen.

Si Direk Argel din ang kinuha para sa movie version ng Lovingly Your, Helen noong 1984. Nagkaroon din ng pagkakataon na maidirek ni Direk Argel ang Da King of Philippine Movies na si Fernando Poe, Jr. sa pelikulang Roman Rapido.

Iba pa sa mga nagawa niyang pelikula ay ang Parañaque Bank Robbery: The Joselito Joseco Story noong 1993 at Pilantik noong 2010.

Pero mas unang minahal si Direk Argel ng mga artista dahil sa mga TV shows na kanyang hinawakan bilang direktor. Siya ang direktor ng mga TV shows na Pinoy Thriller, Regal Shocker, Coney Reyes-Mumar On The Set, Mga Kuwento Ni Lola Basyang, Joaquin Bordado, Yagit at Magpakailanman.

Naging resident director din si Direk Argel ng TV5 para sa mga shows na Glamorosa, Felina: Prinsesa ng mga Pusa; Untold Stories, The Sisters, Third Eye at Cassandre: Warrior Princess.