Una sa Balita

Beteranong Catalan sikad pa sa Phil-­Cycling Cham’ships

By
0 1,129

Padyakan ang mga petmalu na siklista sa bansa sa simula ng PhilCycling National Championships na lalarga sa  Subic at Bataan ngayon.

Kasali sa harurutan sina Marella Vania Sa­lamat, Marc Galedo at hindi tumatandang si Alfie Catalan, lahat ay former Southeast Asian Games gold medalists.

Aarangkada sa men at women elite, under 23 at men junior sa alas-9:00 ng umaga sa Subic Bay Exhibition and Convention Center sa Zambales.

May distansyang­ 138.27 kms ang men’s race, pitong kilome­trong akyatan sa Dambana ng Kagitingan giant cross sa Mount Samat.

Sasabay ang women’s­ race sa men, may 96.55 kms ang kanilang karera.

“We are expecting a tough race consi­dering that the cour­ses for both events are technical,” ani Race Director Christian David ‘Ian’ Alacar ng Withut Limits.

Ang highlight ng karera ay ang PRU Ride PH 2018, isang cycling festival na pakarera ng Pru Life UK.

Pinangunahan ni Pru Life UK Senior Vice President and Chief Marketing Officer Allan­ Tumbaga ang ribbon-cutting kahapon sa SBECC kasama si top-ranked Filipino-Ame­rican female cyclist ­Coryn Rivera.