Una sa Balita

Beteranang aktres ibinubugaw ang model na pamangkin

By
0 755

Alam niyo bang tuloy pa rin pala ang pambubugaw ng isang beteranang aktres sa mga politiko at opisyal ng pamahalaan. Kung akala ng marami ay nanahimik na sya, pwes hindi, tuloy ang kanyang kalokohan kahit minsan nang napahiya dahil sa kalokohan niyang ito.

Ayon sa aking bubwit, dahil sa tindi ng pagkahilig at pa­ngangailangan sa pera ay pati pamangkin niya ay ibinebenta na rin ng beteranang aktres. Akalain niyo ginawa niyang kanan-kamay ang 18-anyos na pamangkin na maganda at modelo na isinasama niya sa kanyang mga lakad sa probinsiya.

Ipinakikilala niya ang pamangking mo­delo sa mga bigtime politician at businessmen at inaalok kung gusto nilang tikman ang pamangkin nyang ‘disi’. Ang petmalu talaga.

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa aking bubwit, masyadong mahal ang rate ni beteranang aktres para sa kanyang pamangkin, hindi presyong ilokano, at yun laki ng rate ay mukhang mga multi-milyonaryo lang ang makaka afford.

Kapag hindi natipuhan ng politikong ina­lok ni beteranang aktres, inaalok at ibi­nibigay niya naman ito sa businessmen.

Kawawa naman ang pamangkin, alam kaya ng kanyang mga magulang na ibinubugaw sya ng tiyahin nya na dapat nga ay protektahan sya sa kasamaan o sa mga gustong gumawa ng masama sa kanya.

Kung sabagay, ano ba naman kay bete­ranang aktres ang pamangkin eh kung yun anak nya nga eh…. Naaalala niyo ba yun malaking im­bestigasyon noon kung saan ipinatawag siya at ginisa tungkol sa pagpapadala ng girls sa isang kalapit natin bansa na yun mga nagpapatakbo ay mahilig sa magagandang chiching at si beteranang aktres ang isa sa mga nag supply ng chicks gamit ang impluwensya nya sa showbiz.

Ang beteranang aktres na may kakaibang angil at ibinubugaw ang pamangkin na modelo ay si stage mom ‘a’.