Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bet tularan si Janella: Liza gusto na ring magka-baby

0 161

Ninang nga si Liza Soberano sa baby nina Janella Salvador at Markus Paterson. Mababasa nga ang message ni Liza na sa huli ay nakalagay ang ‘your ninang’.

Isa nga si Liza sa mga kakuntsaba ni Janella sa pagtatago nito ng kanyang pagbubuntis. Bago umalis ng Pilipinas sina Janella at Markus, nagbigay muna ng baby shower si Liza sa kaibigan.

Ipinoste ito ngayon ni Janella bilang bahagi ng kanyang paisa-isang paglalantad sa itinago nitong pregnancy at panganganak.

Ngayong 2021 nga lang inilantad nina Janella at Markus ang anak nila.

Well, feel na feel ng mga fan na gusto na ring magka-baby ni Liza, ha! Mahilig nga siya sa baby at madalas nga niyang karga ang mga pamangkin niya.

So, bet na rin niyang tularan si Janella? Pero sana naman, mas bongga kung maikasal muna sila ni Enrique Gil bago sila magka-baby para hindi sila magtao na tulad nina Janella at Markus, ha!

***

Andi nanganak na

Sinusulat ang item na ito ay wala pang photo o detalye sa panganganak ni Andi Eigenmann sa second baby nila ni Philmar Alipayo.

Inunahan lang ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose ang pagbabalita ng pagsisilang ni Andi sa kanyang Instagram nitong madaling araw ng January 18, Lunes.

Maternity photo shoot ang pinoste ni Jaclyn kasunod ang mensahe ng pagbati nito sa pagsisilang ni Andi ng baby boy.

“Congratulations anak for having a successful delivery to our newest member of the family bouncing healthy baby boy,” sabi ni Jaclyn.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.