Una sa Balita

KZ Tandingan ka-level na ni Celine Dion

0 390

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyBet ni Randy Jackson:

Umaalagwa nang husto ang career ni KZ Tandingan sa international market dahil ang American record producer namang si Randy Jackson ang magiging collaborator niya sa susunod niyang record project.

Naka-post sa Instagram ni KZ ang pagkikita nila ng personal ng dating American Idol judge at record producer ng mga sikat na singer gaya ni M­ariah Carey.

Mapapanood ang video ng meeting ng dalawa na kung saan pinuri at kinumpirma mismo ni Randy ang project na gagawin nila ng Kapamilya singer.

Kinikilig at halos hindi makapaniwala si KZ sa panibagong opportunity sa kanyang karera. Malaki ang nagawa kay KZ nang pagsali niya sa “Singer” competition sa China, kung saan niya nakalaban niya si Jessie J.

Ang distinctive sound at singing voice ni KZ ang isa sa mga factor kung bakit pasok ito sa world market, at siyang nagustuhan ni Randy Jackson.

Nash Aguas tinangkang tumakas sa Scout Ranger training

Nilagnat at ginustong layasan ni Nash Aguas ang training sa ilalim ng Phi-lippine Scout Ranger. Sa Instagram post ni Nash ng mga photo na kuha sa kanilang trai-ning, ikinuwento ng aktor ang pinagdaanang hirap.

Ayon sa kanya, kulang sa dalawang oras ang tulog nila sa isang araw.

Natutulog sila sa putikan at ilalim ng ulan, kumakain sa putikan, kumakain sa loob ng sampung bilang na nakadapa, at kapag nahulog ang pagkain ay ipapakain sa kanila ang nahulog na kasama ang putik.
Sa unang gabi pa lang ay gusto na ngang mag-quit ni Nash. Tumakas daw siya at natulog sa bubong, at para tumawag na rin sa kanilang bahay para sunduin siya.

Pero, kunumbinse siya ng mga kasama na ipagpatuloy ang trai-ning, kaya sumunod na rin siya. At ‘yun na nga, natapos din niya ang training hanggang dulo.

Kasama ni Nash sa training na ito sina Ge-rald Anderson, Elmo Magalona, Jerome Ponce, Yvez Flores.

Ayon kay Nash hindi lang daw ito bilang paghahanda sa tele-serye nila, kundi para na rin maging reserve sa Scout Ranger.

Ana Ramsey kaelya-elya ang dating

Kahawig ni American Idol first runner Fil-Am Jessica Sanchez, pati na nina Kapuso a­rtist Glaiza de Castro, at ng dating kasintahan ni Gabby Concepcion na si Grace Ibuna, ang bagong recording artist ng Star Music na si Ana Ramsey.

Sa media launch ng kanyang first single na pinamagatang “Tahan” mas lumabas ang pagkakakahawig niya sa mga nabanggit, pero sa mas malambot na version.

Si Ana ay pamangkin ng Soul Diva na si Jaya. Ang tatay ni Ana ay kapatid ni Jaya sa yumaong actress-singer-performer na si Elizabeth Ramsey.

Malabong mag-suffer ng comparison si Ana sa tiyahin niyang si Jaya dahil magkaiba sila ng timbre ng boses at magkaiba sila ng image sa music.

Sexy ang packaging ni Ana na makikita sa kanyang music video at maging sa pananamit niya. Puwedeng ma-ging artista si Ana dahil maganda ang rehistro nito sa kamera at may laman ang kanyang boobs. Kaelya-elya nga ang dating niya.

Ayon sa manager nuyang si Von Arroyo, nadiskubre niya si Ana sa mga event na pinu-produce nya. Nakitaan niya ito ng potensyal kaya inalok niya ito ng management contract at recording.

Sa henerasyon ngayon na pa-demure ang mga female singer, malaki ang posibilidad na lumusot at sumikat si Ana. Bukod sa kanyang vocal quality, sultry ang dating ng kanyang ganda.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy