Una sa Balita

Bet ni Duterte aprub din sa publiko — Pulse Asia

0 281

KASUNOD ng endorsement ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na Speaker, lumalabas na si Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano rin pala ang pili ng nakararaming Pilipino para sa posisyon.

Ito ang resulta ng mga survey ng Pulse Asia noong Marso 23-27 at Hunyo 24-30 kung saan ay nakuha ni Cayetano ang nasa kalahati ng mga boto sa kanilang mga poll, malayong-malayo sa iba pang matunog din na pangalan sa pagka-Speaker.

Sa survey noong Marso, 44 porsiyento ang bumoto para sa dating senador. Kasunod niya sa listahan sina dating Bise Presidente Jejomar Binay, 16 porsiyento; dating Speaker Pantaleon Alvarez, 12 porsiyento; Rep. Martin Romualdez, 5 porsiyento; at Rep. Lord Allan Velasco, 1 porsiyento.

Kung susuriin, si Cayetano ang pinaboran sa lahat ng socio-economic class—61 porsiyento sa mga kabilang sa Class ABC, 44 porsiyento sa Class D at 34 porsiyento sa Class E.

Pabor din sa kanyang pagiging House Speaker ang mga Pilipino kung susuriin ayon sa kasarian, edad at pinag-aralan.

Ang resulta ng mga survey ay nakabase sa panayam sa 1,200 representative adult edad 18 pataas.

Sa larangan ng kakayahan at karanasan, nakaaangat din si Cayetano laban sa iba pang naghahangad maging Speaker.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy