Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Bet ng ‘macho bloc’ sa Senado: Lacson-Sotto isasabak sa 2022

0 319

MALAKI ang posibilidad na mabuo ang tambalan nina Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto para sa 2022 presidential election.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng Abante, niluluto na ng grupo ng tinaguriang ‘macho bloc’ sa Senado ang ipantatapat sa kandidato ng administrasyon sa susunod na halalan.

“They (macho bloc] are talking about it, Lacson-Sotto tandem in 2022 elections. Ang gusto nilang message is… ‘strong men means strong country’. It’s like, samahan ng mga hindi corrupt,” pahayag ng source na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Ang ‘macho bloc’ ay binubo nina Sotto, Lacson, Senadora Grace Poe at Manuel ‘Lito’ Lapid. Suportado rin ang Lacson-Sotto nina dating Senate President Juan Ponce Enrile, dating senador at Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio ‘Gringo’ Honasan at dating senador at ngayo’y Antique Rep. Loren Legarda.

Sina Sotto, Poe, Lapid, Legarda ay pawang miyembro ng Nationalist People’s Coalition (NPC). Independent sina Lacson at Honasan subalit kilalang solidong kaalyado ni Sotto sa Senado. Sina Enrile at Binay naman ay parehong kasapi ng United Nationalist Alliance (UNA) na itinatag ni dating Vice President Jejomar Binay.

Sakaling matuloy ang Lacson-Sotto sa 2022, posibleng maging campaign manager si Senadora Grace na sinasabing wala nang balak tumakbong muli sa pagka-pangulo sa 2020.

“That’s the plan – Lacson for president and Sotto for vice president. And their campaign manager si Sen. Grace Poe who most likely hindi na tatakbo sa anumang highe­r positions in the next nationa­l elections,” sabi pa ng source.

Ayon pa sa source, mapipilitang bitbitin ng oposisyong Liberal Party (LP) ang tambalan ng macho bloc kapag hindi tumakbo sa pagka-presidente si Vice President Leni Robredo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Posibleng mapilitan ang LP na dalhin ang macho bloc kapag hindi tumakbo si Vice President Robredo o wala silang makuhang candidates for the 2022 national elections,” lahad pa ng source.

“Imposible namang suportahan si Bong Go or Mayor Sara, Pacquiao o BBM [Bongbong Marcos],” sambit pa nito.

Nang tanungin ng Abante si Sotto tungkol sa tambalan ni Lacson sa susunod na national eleksiyon, sinabi nitong pinag-aaralan pa ito ng kanilang grupo.

‘Yan ang pinag-iisapan pa lang sa ngayon,” sabi ni Sotto sa kanyang sagot sa Abante nang hingan ng reaksiyon ito.

Nauna nang lumutang ang ilang mabibigat na pangalan sa politika na posibleng magtambalan sa susunod na halalang pangnasyonal.

Ilan sa mga lumutang na ay ang tambalang Davao City Mayor Sara Duterte at dating presidential assistant at Senador Christopher ‘Bong’ Go, Manila Mayor Isko Moreno at dating Senador Bongbong Marcos.

Nandiyan din ang tambalan ng mag-amang Sara at Pangulong Duterte na nauna nang nagsabing hindi tatakbo ang kanyang anak.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na posibleng magkaroon ng Go-Duterte tandem bagama’t nauna nang sinabi ng baguhan senador na hindi pa siya handang tumakbo sa mataas na posisyon ng bansa. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.