Una sa Balita

BEST clinic tuloy

0 207

TUMATANGGAP pa rin ng mga interesadong estudyante sa basketball at volleyball clinic na inoorganisa ng award-winning BEST Center (Basketball Efficiency and Scientific Training Center) sa Ateneo College Covered Court.

Isinasagawa ang mga clinic tuwing Sabado hanggang Pebrero 29 8:30- 11:30 nang umaga sa mga estudyante para sa Preparatory Level at sa mga lebel na 1-4.

Samantala, ang mga basketball class ng BEST Center, recipient ng Philippine Olympic Committee (POC) Olympism Award, isang Philippine Sportswri­ters Association (PSA) Hall-of-Fame awardee, ay ginagawa naman tuwing Linggo sa Starmall-Alabang.

Ang BEST Center ay iniisponsoran ng Milo at suportado ng Rain or Shine, Chris Sports at SKLZ.

Sa mga detalye, tumawag sa 8372-3065, 8372-3066 at 3411-6260 o mag-email sa bestcenter.inquiry@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More