Una sa Balita

Bertdey ni Alas naging ispesyal dahil sa panalo

0 709

Maganda ang pa-birthday ng Phoenix Fuel Masters kay coach Louie Alas – isang panalo sa PBA Governors Cup.

Sa bisperas ng 56th birthday ng coach nitong Miyerkoles sa Cuneta Astrodome, niligtas ng buzzer-beater ni RR Garcia ang Fuel Masters 86-84 laban sa Rain or Shine.

“Thank you, Lord!” bulalas ni Alas pagpasok sa postgame interview. “Still breathing.”

‘Devastating’ pa raw para sa kanya ang laro, dahil halos buong 48 minutes ay nasa trangko sila.

Ayaw sumuko ng Elasto Painters, di lang kinasihan ng basket dahil mula sa final 2:53 ay mintis ang pitong tira bago ang panablang long-two ni Javee Mocon 7 seconds na lang.

Ginamit ni Alas ang huling timeout para magdisenyo ng play. Mula sa inbound ni Alex Mallari, bnigay kay Eugene Phelps at nang dumating ang help defense ng Painters ay nalingunan ng import si Garcia na mag-isa sa harap ng rim basket para sa winning short jumper.

Nakaalpas mula sa ilalim ang Fuel Masters, kinubra ang pangalawang panalo kontra apat na talo.

“Good thing we didn’t give up,” dagdag ni Alas. “Kanina walang negative thoughts. Siguro gift na nila sa akin ‘yan.” (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy