Una sa Balita

Bersamina nanguna sa Balinas chessfest

0 186

HINDI pinaporma ni International Master Paulo Bersamina si International Master Daniel Quizon matapos ang 28 moves ng Sicilian defense sa 10th round para manatili sa tuktok ng 2019 GM Rosendo Balinas Memorial Cup chess championship sa Activity Hall ng Alphaland Makati Place sa Malugay Street, Makati City Sabado.

Nakakulekta na si Bersamina ng 8.0 points mula sa seven wins at two draws sa single round-robin standard time control format sa event na suportado nina Engineer Antonio ‘Tony’ Carreon Balinas, US-based Joe Balinas at Singapore-based Nur Rose Balinas.

Nakamit ni Bersamina ang solo leadership matapos daigin si Kevin Mirano sa Round 9.

Nagtala ng magkahiwalay na panalo sina Grandmaster Darwin Laylo at 13-time Philippine Open champion Grandmaster Rogelio ‘Joey’ Antonio, Jr. para magsalo sa second at third spot na may tig-7.5 points.

Pinigil ni Laylo ang winning run ni Sherwin Tiu sa 37 moves ng Nimzo Indian defense, habang si Antonio, ang country’s representative sa taong ito sa 2019 Bucharest, Romania World Seniors Chess Championship, ay namayani kay International Master Ricardo De Guzman sa 41 moves ng Sicilian defense.

Si Tiu na ipinagmamalaki ng Tarrash Knight Guadalupe Chess Club ay napako sa 6.0 points, kagaya ng iskor na naitala ni Grandmaster John Paul Gomez, na napuwersa sa three moves repetition draw kay International Master Angelo Young sa 24 moves ng Reti Opening.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy