Una sa Balita

Bersamina hari sa Balinas Cup

0 163

GINIBA ni IM Paulo Bersamina si Julius Sinangote sa 15th at last round upang tanghaling kampeon sa katatapos na 2019 GM Rosendo Balinas Memorial Cup chess championship (Grand Finals) na ginanap sa Activity Hall, Second Floor Alphaland Makati Place sa Malugay Street, Makati City, Martes ng gabi.

Naklikom si Bersamina ng 12 points sapat upang masilo ang P50,000 premyo sa 16-player single round robin.

Nakopo ni GM Darwin Laylo ang second place prize na P40,000 matapos irehistro ang 11.5 points.

Tabla ang laro ni Laylo kay IM Angelo Young.

Kinapos naman si 13-time Philippine Chess Open champion GM Rogelio “Joey” Antonio matapos yumuko kay GM John Paul Gomez.

Nakapagtala si Antonio ng 11 puntos para lumanding sa third place, naibulsa naman niya ang P30,000.

Pumang-apat si Rolly Parondo, Jr. habang fifth si Siklab Super Kids awardee IM Daniel Quizon. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy