Una sa Balita

Bernabe nanguna sa mayoralty online poll survey

0 1,143

Nagpasalamat si da­ting Parañaque City Ma­yor Florencio ‘Jun’ Ber­nabe sa suporta ng mamamayan ng lungsod makaraang manguna siya sa isinagawang malawakang online poll.

“Muli po akong nagpapasalamat sa mainit na suporta ng mga mamamayan ng Parañaque. Buong puso po akong nagpapa­salamat sa inyong tiwala at boses upang mamulat din ang ating mga kapwa Parañaqueño sa mga tunay na isyu at panga­ngailangan ng ating siyudad. Asahan ninyo pong handa akong muli ka­yong paglingkuran,” pahayag ni Bernabe.

Isinagawa ng Election Watch PH 2019 ang online poll sa social media na Facebook na nilahukan ng 11,000 netizens simula Oktubre 19, 2018 hanggang sa kasaluku­yan kung saan nanguna si Bernabe ng 62% habang 38% naman ang nakuha ni incumbent Mayor Edwin Olivarez.

Ganito rin ang resulta ng isinagawa namang survey ng The Leader I Want mula Enero 2019 kung saan 67% si Ber­nabe habang 33% naman si Olivarez.

Nakasaad pa sa komento ng mga netizen na bumoto kay Bernabe na pinili nila ang dating alkalde dahil napatunayan na nila ang mahusay na pamamalakad nito kung saan natapos niya ang tatlong termino ng kanyang panunungkulan.

Sa loob ng siyam na taong panunungkulan ni Bernabe, kinilala siya ng iba’t ibang mga orga­nisasyon sa loob at labas ng bansa dahil sa kanyang malinis at ma­kabagong pamamaraan ng paglilingkod at sa ipinaabot na tulong sa kanyang mga nasasakupan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy