Una sa Balita

Beram out sa National team

By
0 659

NAWALAN ng posibleng mga mapapanalunang gintong medalya ang Pilipinas matapos na alisin ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) sa pambansang koponan ang kasaluku­yang Southeast Asian Games gold medalist na si Anthony Trenten Beram.

Inihayag ni PATAFA president Philip Ella Juico na ang math student sa University of Connecticut ay hindi na kasali sa pambansang koponan matapos na hindi lumahok sa katatapos lamang na Aya­la Philippine Athletics Championships na ginanap sa City of Ilagan Sports Complex sa Ilagan, Isabela.

“He is not around and technically, as far as we’re concerned, he’s out of the team,” sabi ni Juico. “I gave him a deadline up to February 20 and he did not respond, ni-ha, ni-ho, ni anino, wala eh.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More