Una sa Balita

Bentahan ng tear gas sa HK ipagbawal

0 242

Kasabay ng ikaapat na buwang pagharap ng Hong Kong sa walang tigil na kilos protesta, ikinukunsidera ng ilang kinatawan ng US Congress ang tuluyang pagbabawal sa pagbebenta ng tear gas sa Hong Kong law enforcement dahil sa patuloy na kilos protesta na nasa ikaapat na buwan na.

Ang pagbabawal ay ipatutupad sa sandaling maaprubahan ang PROTECT Hong Kong Act.

Alinsunod sa nasabing panukala, pagbabawalan ang mga US company na mag-export ng tear gas, pepper spray, rubber pellet at iba pang non-lethal technologies sa Hong Kong.

Sa ulat, nagiging marahas ang nangyaya­ring demonstrasyon dahil armado ng tear gas at iba pang uri ng non-lethal weapon ang mga raliyista.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy