Una sa Balita

Bentahan ng baril at bala pinahihigpitan ni PDU30

By
0 123

Pinagbubuti pa ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang ipinaiiral na regulasyon ng gobyerno sa bentahan ng matataas na kalibre ng baril at bala para maiwasang ang mga armas na ito ay mapunta sa kamay ng mga kriminal at rebelde.

Sa talumpati ng Pa­ngulo sa opening ceremony ng Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines Inc. (AFAD) Defense and Sporting Arms Show (DSAS) sa SMX Convention Center sa Davao City, binanggit nito ang posibilidad na pagbili ng mga komunistang rebelde ng matataas na kalibre ng baril at bala sa mga local gun dealers.

Ayon sa Pangulo kumikita ang mga komunistang rebelde mula sa perang kanilang kinikikil sa mga mining companies at may-ari ng malalawak na plantasyon sa bansa, kaya may kakayahan ang mga itong bumili ng de-kalibreng mga baril at bala.

Bunsod nito, matindi aniya ang pangangaila­ngan para irebisa ang ilang panuntunan sa pagbili ng baril at bala pero nanindigan ang Pangulo na hindi ito makakasama sa kita ng mga gun stores.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy