Una sa Balita

Benjie, Alvin, Joey, Paul, Kiefer, Alex (showbiz na showbiz)

Mga basketbolistang naghasik ng kontrobersiya, iskandalo

By
0 1,525

Dahil sa naging kontrobersya ng Gilas Pilipinas team sa FIBA World Cup sa Philippine Arena kunsaan nakipag-away sila sa Australian team na Boomers, gumawa kami ng listahan ng mga kilalang basketball players na gumawa ng sarili nilang kontrobersya nang pasukin nila at ma-associate sila ng mga tao na nasa mundo ng showbiz.

Sino-sino nga ba sila?

BENJIE PARAS: nakilala si Benjie bilang “The Tower of Power” noong maging isang PBA player ito. Naging Rookie of the Year in 1989 at twice siyang naging PBA MVP in 1989 at 1999.

Noong pasukin ni Benjie ang showbiz sa pamamagitan ng pelikulang Dunkin Donato in 1993, nagtuloy-tuloy ito sa kanyang pag-aartista at ma-link siya sa aktres na si Jackie Forster kung saan meron siyang dalawang anak na sina Andre at Kobe Paras.

Naging kontrobersyal ang relasyon ni Benjie kay Jackie nang maghiwalay sila at napalayo ang damdamin ng kanilang mga anak sa kanilang ina. Nagpalitan sila nang hindi magagandang salita sa media noon at dito na lumala ang lamat ng kanilang relasyon bilang mag-asawa.

Ilang taon ding hindi nagkaroon ng magandang relasyon sina Andre at Kobe sa kanilang ina, hanggang sa noong nakaraang April 2018 ay nagkaroon ng reconciliation ang mag-iina na may approval mula kay Benjie. May mga anak na si Benjie sa bago niyang asawa at gayun din si Jackie.

ALVIN PATRIMONIO: Isa sa mga hard court heartthrob si Alvin Patrimonio ng Purefood Star Hotshots team noong ‘90s. Naging 4-time PBA MVP si Alvin noong 1991, 1993, 1994 at 1997.

Pinasok ni Alvin ang showbiz noong 1989 sa pamamagitan ng comedy film na Last 2 Minutes kunsaan nakasama pa niya sina Jerry Cordinera at Paul Alvarez. Nagtuloy-tuloy si Alvin sa kanyang showbiz career at naging leading lady pa niya si Maricel Soriano sa pelikulang Dobol Dribol in 1992 at Kris Aquino sa Tasya Pantasya in 1994.

Ang pagkaka-link niya kay Kris ang siyang naging malaking kontrobersya kay Alvin dahil sa gitna ng pagpista ng marami sa issue, biglang lumabas ang totoong misis ni Alvin na si Cindy Conwi. Kinasal ang dalawa noong 1989 at meron silang dalawang anak.

Naging kontrobersyal din kay Alvin ang nangyaring fall-out nito sa kanyang manager na si Nap Gutierrez dahil sa pera.

JOEY MARQUEZ: Naglaro para sa PBA si Joey Marquez since 1981 para sa mga team na Presto, Gilbey’s Ginn at Hills Bros nang pasukin nito ang pag-aartista in 1987 via the movie Tagos Ng Dugo. That same year ay nakasama si Joey sa sitcom na Palibhasa Lalake at doon nakita ang pagiging mahusay niyang komedyante.

Kinasal si Joey sa aktres na si Alma Moreno noong 1992 at iyon din ang taon na pinasok niya ang politics. Naging vice mayor siya ng Parañaque City mula 1992 hanggang 1995. Umupo naman siya bilang mayor ng Parañaque City mula 1995 hanggang 2004.

Nabulabog ang political career ni Joey nang magkaroon ito ng problema sa nakarelasyon na si Kris Aquino. Naakusahan si Joey na nambugbog at binigyan ng STD (sexually-transmitted disease) si Kris noong nagsasama sila.

Dahil dito ay naudlot ang plano ni Joey na tumakbo bilang congressman. Tinalikuran na ni Joey ang politics at mas madalas na siyang mapanood sa TV at pelikula.

PAUL ALVAREZ: Nakilala bilang Mr. Excitement sa PBA dahil sa kanyang sunod-sunod na slam dunking sa mga laro. Napasama pa siya sa PBA Mythical First Team in 1990.

Pinasok nito ang showbiz noong 1989 at naging misis nito ang aktres na si Vivian Velez. Noong maghiwalay sila ni Vivian, naging misis nito ang aktres na si Almira Muhlach. Naghiwalay din sila dahil sa kinaso ni Almira rito na domestic abuse noong 2007.

Ilang kontrobersya pa na pinasok ni Alvarez ay ang pambubugbog niya sa isang taxi driver, ang pagsiko niya sa TV reporter na si Gretchen Malalad at ang pag-aresto sa kanya dahil sa panggugulo niyang habang lasing sa Quezon City.

Huling inaresto si Alvarez ay noong nakaraang taon dahil kasama siya sa isang shabu session sa isang bahay sa Sikatuna Village in Quezon City.

May warrant of arrest din si Alvarez for slight physical injuries sa kanyang live-in partner.

KIEFER RAVENA: Dahil sa kanyang pagiging basketball star with Ateneo Blue Eagles sa UAAP, naging three-time UAAP Juniors Champion (2008, 2009 and 2010), two-time UAAP Juniors Finals MVP (2009 and 2010), two-time UAAP Juniors Mythical Team member (2009 and 2010), one-time FIBA Asia U-18 Mythical Team member (2010), two-time UAAP Seniors Champion (2011 and 2012) and three-time UAAP Seniors Mythical Team member (2011, 2014 and 2015). Naging UAAP Season 74 Rookie of the Year and the UAAP Season 77 and 78 Most Valuable Player recipient.

Naging player si Kiefer para sa PBA team na NLEX Road Warriors. Nanalo siya ng gold medals bilang miyembro ng Gilas Cadets sa 2011, 2013, 2015 and 2017 Southeast Asian Games.

Sinubukan ding pasukin ni Kiefer ang showbiz sa pamamagitan ng TV sitcom na No Harm, No Foul ng TV5 noong 2015.

Noong nakaraang May 22, 2018, na-suspend si Ravena ng FIBA for 18 months in all basketball-related activities dahil tested positive siya methylhexanamine, 1,3-Dimethylbutylamine and higenamine, substances. Nakita iyon sa kanyang urine samples during the 2019 FIBA Basketball World Cup qualification.

Paliwanag ni Ravena na nakuha niya iyon sa pag-inom ng Blackstone Labs DUST na isang pre-workout supplement na hinahalo sa tubig tulad ng C4. FIBA attributed the violation to Ravena’s lack of anti-doping education.

Bago ito, naging kontrobersyal din si Ravena dahil sa isang alleged video scandal na pinadala raw niya sa isang babaeng diumano’y hina-harass niya.

ALEX CRISANO: Naglaro ang Brooklyn-born na si Alex Crisano para sa Barangay Ginebra Kings noong 2000 at pati na sa Talk ‘N Text Tropang Texters.

Nakilala si Crisano dahil sa numerous tattoos sa kanyang katawan at sa biglang pagkaka-link niya sa sexy comedienne na si Ethel Booba.

Epic nga kung tawagin ang on-and-off na relasyon nina Alex at Ethel. Nandiyan ang mag-away sila sa publiko, tulad na lang sa Boracay kunsaan binasagan ng tasa ni Ethel sa ulo si Alex dahil sa pagseselos nito. May inaway rin si Ethel na dalawang babae sa Decades Bar in Quezon City dahil uma-aura daw ang mga ito kay Alex.

Pero ang pinakamalala ay ang kumalat na sex video ng dalawa noong 2007 na isinasira ng image ni Ethel sa TV.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More