Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Benjamin natulala kay Nova Villa

0 203

Hindi mapigilang matulala ni Benjamin Alves nang makaharap niya ang veteran actress na si Ms. Nova Villa. Nagkaeksena nga ang dalawa sa Owe My Love ng GMA 7.

“Grabe kasama ko legend. I quickly realized that I had a lapel and turned to our audio-man who nodded and smiled in approval. Starstruck ako kay Ms. Nova Villa,” sabi ni Benjamin.

Gaganap si Nova bilang si Mama Eps, ang lola ni Lovi Poe sa serye. Si Benjamin naman ay ipo-portray ang character ng doktor na si Migs Alcancia.

“Ang sarap noong parang may nanay ka sa set,” sabi pa ni Ben patungkol kay Nova.

Natutuwa ang mga fan nina Ben at Lovi dahil updated sila sa mga behind the scenes ng taping sa pamamagitan ng social media accounts ng kanilang mga idol. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.