Una sa Balita

Benjamin nasarapan sa karanasan kay Dingdong

By
0 2,575

Tila hindi makalimutan ni Benjamin Alves ang naging karanasan na makasama ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa nakaraang Bangkok trip nila. Nagpunta sila roon para i-promote ang mga teleserye nila sa GMA-7 sa Thailand kunsaan ipalalabas sa Bright TV.

Nag-post sa kanyang Instagram account si Benjamin na tila pagbibigay-pugay nito sa Primetime King ng network. Isang mahabang caption sa la­rawan nilang dalawa habang nakatalikod at nakatanaw sa labas ng bintana mula sa taas ng building.

Ayon kay Benjamin, talagang excited daw siyang malaman paano makatrabaho si Dingdong.

“I’m excited to see what it is like working with a Primetime King, even for just a trip to Bangkok. From the almost two decade long friendship he has with Tito Perry Lansigan, to the way he remains unassuming despite his stature (even staying unfazed by our unpredictable schedule), it’s easy to see why he’s beloved in GMA.

“He’s unquestionably the standard to which all of us actors in GMA strive for. It was an honor to stand beside you Kuya @dongdantes. Here’s to working with you in the future.”

Sinagot naman ni Dingdong ang post na ito ni Benjamin nang, “I am humbled, brother.”

At bilang hindi pa pala nagkakasama at all sa kahit anong programa ng Kapuso network ang dalawa, hindi na rin kami magugulat kung isa si Benjamin sa mga bagong makakasama ni Dingdong sa susunod niyang primetime series.

***

Kapuso stars todo-acting workshop

Ngayon ang hu­ling araw ng pa-advance acting workshop ng GMA Artist Center sa kanilang mga talents. Nakakuha kami ng picture ng mga Kapuso star na um-attend ng workshop sa ilalim ng New York based Acting Coach na si Anthony Vincent Bova.

Kumpara last year, mukhang mas maraming artists ang um-atten­d­ ng workshop ngayon na nagsimula noong Friday. Unang pagkakataon din na maka-join ni Alden Richards at kasama niya ang mga co-GMAAC artist niya tulad nina Rocco Nacino, Sanya Lopez, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Chynna Ortaleza, Benjamin Alvez, Dave Bornea, Chynna Ortaleza, Ruru Madrid, Bianca Umali, Miguel Tanfelix at iba pa.