Una sa Balita

Benjamin Alves bibida sa ‘Kasama Mo Ang Diyos’

0 324

abante-paistaran-dondon-serminoIsang espesyal na programming schedule ang handog ng GMA-7 para sa Kapuso viewers nga­yong Huwebes Santo, Abril 18, hanggang Sabado de Gloria, Abril 20.

Sa Huwebes Santo, unang mapapanood ang pelikulang “Hotel Transylvania,” kasunod ang “Beauty and the Beast” sa umaga.

Magnilay-nilay at tuklasin ang Holy Land sa travel show na #MichaelAngelo Holy Week Reflections pagsapit ng alas-8:00 ng umaga.

Sa ganap na alas-3:15 ng hapon, tampok naman sa “Front Row” ng GMA News and Public Affairs ang dokumentaryong “Pa­san.”

Isang mahalagang aral sa pagpapatawad ang masusubaybayan sa episode ng “Stories For The Soul” na pinamagatang “Kasama Mo ang Diyos” pagdating ng 3:45 pm. Hango sa kuwento ni Joseph The Dreamer, pagbibidahan ng Kapuso actor na si Benjamin Alves ang kuwento ng isang lalaking bata pa lamang ay marami nang naranasang paghihirap mula sa kanyang pamilya.

Samantala, mga natatanging kuwento ng buhay ang dapat subaybayan sa #MichaelAngelo Holy Week Drama Specials pagsapit ng 4:30pm.

Mula sa CBN Asia, mapapanood sa ganap na alas-5:30 ng hapon si Kristoffer Martin sa “Tanikala: Buyonero.”

‘Jesus’, ‘Women of the Bible’ palabas sa Biyernes Santo

Sa Biyernes Santo (Abril 19), mag-e-enjoy ang mga bata dahil ipapalabas ang “Barbie Video Game Here” sa alas-5:00 ng umaga.

Susundan ito ng “Jesus” sa ganap na alas-6:00 ng umaga at ng “Women of the Bible,” pagpatak ng 7 am. Tuloy-tuloy naman ang paglalakbay sa Holy Land sa #MichaelAngelo Holy Week Reflections pagdating ng 8:00am. Tiyak namang mapapamahal kayo sa animated fantasy adventure na “Up” pagsapit ng 9:00 am.

Handog din ng Kapuso Network ang progra­mang magbibigay ng ispirituwal na inspirasyon na “Power to Unite” ni Ms. Elvira Yap-Go sa alas-11:00 ng umaga.

Gabay sa pagninilay naman ang mapapanood sa live telecast ng “Siete Palabras” na gaganapin sa Sto. Domingo Church simula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-3:00 ng hapon. Mula sa GMA News TV, susundan ito ng dokumentaryo ng “Front Row” na “Ne­bulizer.”

Hango sa kuwento ni Job sa Bibliya, hatid ng “Stories for the Soul” ang “Tinig Ng Pananalig” tampok sina Gabby Eigenmann at Valerie Concepcion. Ipapalabas ito pagsapit ng alas-3:45pm.

Patuloy na panoorin ang #MichaelAngelo Holy Week Drama Specials sa alas-4:30 ng hapon.

Pagsapit ng 5:30pm, isang kuwento ng pag-asa ang matutunghayan sa episode ng “Tanikala” na pinamagatang “Kublihan” mula sa CBN Asia.

Kris, Thea nag-ala-Martha, Maria

Back-to-back mo­vies naman ang sasalubong sa inyo sa Sabado de Gloria (Abril 20) dahil mapapanood ang “Hotel Transylvania 2” sa alas-5:00 ng umaga at “Tarzan” pagpatak ng 6:30am.

Mapapanood din ang huling episode ng #MichaelAngelo Holy Week Reflections Holy Land sa ganap na alas-8:00 ng umaga.

Makukumpleto ang inyong umaga sa animated movies na “Des­picable Me 2” sa ganap na alas-9:00 ng umaga at “Minions” pagsapit ng 10:30am.

Pagsapit ng alas-12:00 ng tanghali, mapapanood ang “Superman Returns” at “Ben Hur,” 2:00pm.

Sa alas-3:15 ng hapon, mapapanood ang GMA News TV’s “Front Row” documentary na pinamagatang “Anak ng Gubat.” Hatid nito ang kuwento ng isang binatilyong nagtatrabaho bilang tagabuhat ng kopra at uling upang matustusan ang kanyang pag-aaral.

Samahan sina Kris Bernal at Thea Tolentino sa kanilang pagganap bilang magkapatid na may magkaibang hangarin sa buhay tulad nina Martha at Maria sa Bibliya sa episode ng “Stories for the Soul” na “The Better Sister” pagsapit ng 3:45pm.

Huwag palampasin ang pagtatapos ng #MichaelAngelo Holy Week Drama Specials pagpatak ng alas-4:30 ng hapon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy