Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Benilde sasagupain delikadong Lady Stags

0 72

Teams W L
St. Benilde 5 0
Arellano 5 1
San Sebastian 4 1
Mapua 3 2
JRU 3 3
Lyceum 3 3
Perpetual 2 4
San Beda 1 4
Letran 1 5
EAC 1 5

Mga Laro Ngayon: (Paco Arena)
12:00noon — St. Benilde vs San Sebastian
2:30pm — Mapua vs San Beda

PANANATILIHIN ng St. Benilde Lady Blazers ang malinis na kartada pagsalang kontra delikadong San Sebastian-Recoletos Lady Stags sa 97th National Collegiate Athletic Association (NCAA) women’s volleyball tournament sa Paco Arena ngayong araw.

Muling magtutulungan sina Francis Mycah Go, Jade Gentapa at Jhasmin Gayle Pascual upang tulungan ang Lady Blazers mapatibay ang hawak na 5-0 kartada, laban sa maanghang din ang larong Lady Stags na nasa third spot tangan ang 4-1 baraha sa unang sultada sa alas-12 ng tanghali.

Patuloy na pinangungunahan ng troika nina Go, Gentapa at Pascual ang Taft-based lady spikers na nais masundan ang nakuhang kampeonato noong 2015-2016 edisyon.

Kakaharapin ng Season 91 titlist ang 23-time league champions Lady Stags, na susundan naman ng magbabawing Mapua University Lady Cardinals kontra nangangalawang na San Beda University Lady Spikers sa ikalawang laro sa alas-2:30 ng hapon.

Kumana ng tig-12 puntos sina Go at Gentapa, habang umalalay sa 9 marka si Pascual para madaling kalusin ng Lady Blazers ang Mapua Lady Cardinals sa huling laro 25-17, 25-11, 25-12.

Kumana rin ng 10 excellent receptions si Go, habang naging mahusay ang pamamahagi ng opensa ni rookie Cloanne Mondonedo sa 18 excellent sets at 10 excellent digs.

Hindi naman papahuli ang San Sebastian Lady Stags na nakamit ang kanilang three-game winning streak sa bisa ng come-from-behind victory laban sa masipag na Perpetual Help Lady Altas 24-26, 26-28, 25-20, 25-20, 17-15 nitong Linggo.

Limang manlalaro ang tumapos ng dobleng pigura para sa San Sebastian sa pangunguna ni Reyann Canete na lumikha ng game-high 25 points. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.