Una sa Balita

Benilde inilapit ni Daquil sa semis

By
0 353

LUMAPIT ang College of Saint Benilde sa pagsilo ng pangalawang ticket sa semifinals matapos pagpagin ang Jose Rizal University 20-25, 25-17, 25-20, 25-22 kahapon sa NCAA Season 94 women’s volleyball competition sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Lumiyab ang opensa ni Jan Daguil matapos magtala ng clutch hits sa closing stretch sa fourth set para sa Lady Blazers na nilista ang six-game winning streak.

Nakasiguro ang College of St. Benilde ng playoffs para sa susunod na phase, tangan nila ang 6-1 karta.

Binasag ni Daguil ang 21-21 deadlock mula sa kanyang crosscourt kill bago nakakita ng open spot para muling makapuntos.

Si Marites Pablo ang tumapos ng laban mula sa kanyang malutong na spike.
Kumana si Klarisa Abriam ng 17 points kasama ang 22 digs para sa Taft-based squad CSB, habang 14 markers, 13 kills ang binakas ni Daguil.

Nangamada rin sina CSP spikers Rachel Austero at Kaila Miranda ng tig-12 at 10 pts. ayon sa pagkakasunod.

Kailangan manalo ang Lady Blazers sa San Sebastian sa susunod nilang laban upang samahan ang defending champion Arellano U (7-0) sa Final Four. ()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy