Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Benguet pinaulanan ng ambulansiya

0 148

Binilihan ni Benguet Caretaker at ACT-CIS Cong. Eric Yap ang lahat ng 13 bayan ng Benguet province ng mga ambulansya para para magamit sa pag-transport ng mga COVID patients at iba pang mga maysakit sa pagamutan.

Sinabi ni Cong. Yap, “marami po kaming mga kababayan na nakatira sa mga liblib na lugar o mga barangay na halos wala pang kalsada at hindi marating ng mga sasakyan kaya’t nagpasya ako na bigyan ang lahat ng bayan ng mga ambulansya.”

Napag-alaman na hindi lang basta ambulansya ang binili ni Yap kundi mga four-wheel drive na Toyota Land Cruiser na kasalukuyang kino-convert na raw ngayon ang mga likod para magkasya ang isang stretcher, upuan para sa doctor o nars at mga medical equipment.

“Problema po namin sa Benguet kapag umulan, madulas po ang kalsada dahil maputik lalo na po iyong mga nasa looban kaya kailangan makarating ang mga ambulansya doon at makuha ang mga pasyente” ani Cong. Yap.

Pag-amin pa ni Yap, may iilan pa naman na bayan sa Benguet ang mga may ambulansya pero ito ay mga luma na at hindi na makapatakbo ng mabilis at malayo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.