Una sa Balita

Benguet LGU humirit ng pondo sa rehabilitasyon

By
0 179

NANGANGAILANGAN ng mahigit P11 mil­yon ang local government unit (LGU) ng Itogon, Benguet para sa rehabi­litasyon ng buong bayan na sinalanta noon ng bagyong Ompong.

Sinabi ni Itogon Ma­yor Victorio Palangdan, nakapagsumite na sila ng ‘rehabilitation plan’ sa Committee on Disaster Management (CDM) sa House of Representatives upang mapabilis ang pag-apruba sa pondo mula sa national government.

Ayon kay Palangdan, aabutin ng mahigit P11 milyon ang kinakaila­ngang pondo ng LGU ng Itogon upang maisakatuparan ang long term plan sa buong bayan na napinsala ng bagyo.

Nakasaad sa kanilang plano, ayon pa sa ­alkalde, ang mahigpit na proteksyon ng mga bundok at ilog kasabay ng operasyon ng malalaking minahan.

Plano rin ng lokal na pamahalaan ang pag-develop sa mga naideklarang ‘no build zones’ na gawin ito bilang agri-forest tourism.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy