Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Benepisyo, panganib ng water fasting

0 138

Isa ang pagpapayat sa mga hamon na gustong ma-achieve ng karamihan, at isa sa paraan nito ay ang pagpa-fasting o ayuno tulad na lang ng water fasting kung saan hindi ka maaaring kumain o uminom ng kahit ano maliban sa tubig.

Ang uri ng fasting na ito ay karaniwang ginagawa 24 hanggang 72 oras. Bukod sa pagbabawas ng timbang o lose weight, marami ring iba pang kalakip na rason kung bakit ito ginagawa, gaya ng: espiritwal o relihiyon na rason, para mag-detoxify, o kaya ay paghahanda sa mga medikal na operasyon o surgery.

Ayon sa mga pananaliksik, ang pinakarason kung bakit sumusubok na mag-fasting ang mga tao ay upang mapabuti at ma-improve ang kanilang kalusugan. May health benefits din ito gaya ng pagbaba ng risk sa pagkakaroon ng sakit sa puso o heart disease, diabetes, at cancer.

Bukod dito, dumadaan din sa proseso na tinatawag na autophagy ang ating katawan tuwing nagpa-fasting na kung saan ang lumang cells natin ay nagbe-break down at nire-recycle ng ating sistema.

Sa kabilang banda, may mga posibleng masamang epekto rin ito gaya ng pagbaba ng timbang agad-agad, pagiging dehydrated, pagkaranas ng orthostatic hypotension, gout, at humantong sa pagkakaroon ng eating disorders.

Totoo na maaaring makatulong ang water fasting upang makapagbawas ka agad ng timbang subalit mayroon pang ibang uri ng fasting na maaari mong subukan na mas mababa ang health risks. Ilan sa mga ito ang intermittent fasting at alternate-day fasting.

Kaya bago gawin ito, mahalagang nag-research muna nang husto at nagpakonsulta sa doktor. (Moises Caleon)

Leave A Reply

Your email address will not be published.